Michael

Meron ako naging schoolmate nung highschool,

Hindi ko siya classmate pero kabilang siya sa ibang section.

Hindi ako kagandahan noon. Sobrang nerd ko.

Nasa auditorium kami ng highschool department, para sa isang assembly.

Nakaupo sa mga nakahilerang upuan.

Tapos, may biglang nag-paabot ng sulat na tinupi lang,

galing sa likod ko.

First year ata ako noon o second year high school.

Alam mo yung nakasulat?

Binuksan ko yung liham niya..

may tanong siya sakin..

kung pwede ba daw siya mang-ligaw.

So alam niyo na yung sinabi ko..

Alam niyo na.

Nagsulat ako, sa likod ng note niya… tapos pinabigay ko sa likod ko.

Sabi ko, “Mag-aral ka na muna..”

Sinabi ko ata dun na hindi ako tumatanggap ng manliligaw,

kasi ang fokus ko ay ang pag-aaral.

Hindi ko alam, kung seryoso siya.

Siya lang ang bukod tangi na nag-tanong sakin ng tanong na yun.

Basta hindi ko siya in-entertain.

Tapos, hindi na siya muli nag-paramdam pa sakin. Hahaha!

From what I heard, successful na siya ngayon.

Masaya ako para sakaniya.

What’s UP?

Alam niyo ba, ang sama ng loob ko sa UP.

Hindi ako maka-move on sa grade na 5 sa Epidemiology.

Patawarin.

Ito ang tunay na sablay!

Kasalanan ko naman, bakit kasi ako nag-exam na hindi maganda pakiramdam ko.

Nasayang yung apat na taon na ginugol ko sa eskwelahan na yun,

na pilit ko pa rin gustong balikan.

Ano ba ang gusto kong patunayan?

Wala naman ako dapat patunayan…

Masaya naman ako sa mga naging classmates ko.

Pero nakakainis pa rin.

Ang unfair lang.

May mga classmate akong doctor, hindi sila nag-exam,

nagbigay lang ng medical certificate,

nakakuha pa ng dalawang degree.

hahahaha.

Okay lang.

Sayang, nagpadistract kasi ako. Andami tuloy na sayang na oras, na hindi ko na maibabalik pa.

Wala yan sa haba ng pangalan.

Nak ng sabaw!

Mangarap

Ano ang gusto mong abutin,

ano ang gusto mong maging?

Ano ang kakayahan mo?

Huwag mong pakinggan ang mga bulong,

bulong na nagsasabing hindi mo kaya,

na hindi mo kayang harapin ang dilim.

Ang dilim na nagsasabing nag-iisa ka lang,

sa hamon ng buhay na ating hiniram lamang.

~ Jaea Bitao

Bakit?

Bakit ba, ang hilig natin balik balikan ang nakaraan.

Bakit ba, gustong gusto mong nasasaktan?

At hanggang ngayon, sobrang daming tanong,

na hirap mong unawain at hirap intindihin.

Ang tanong na bakit ay napakapait.

Masaya. Malungkot. Nakakakaba.

Tila pinaglalaruan tayo ng tadhana,

Paulit – ulit, na parang isang gulong.

Kailan ka ba matututo sa mga pagkakamali ng nakaraan.

Kailangan ulit ulitin? Hindi ka ba nag-sasawa?

Hindi na natuto.

Panahon na, para bumangon sa pagkalugmok.

Huwag na. Tapusin na ang dapat tapusin.

Bigyang tuldok ang umaasang katapusan,

sa pangungusap na pilit na binibitin.

Hinga ng malalim. Ipikit ang mata.

Tapos, matulog ka na.

Panibagong araw na naman ulit bukas.

Panibagong kwento.

Panibagong pakikibaka sa buhay,

na pilit hinahanapan ng solusyon,

sa mga bagay na hirap intindihin.

~ Jaea Bitao (Mangarap)