Maselang Bahaghari

Noong bata pa ako, may istorya ang mga matatanda na sa dulo daw ng bahaghari, may makikitang garapon o lalagyan na mas malaki pa sa garapon na may mga ginto at pilak. Ibig sabihin, merong kayamanan na nakatago sa dulo ng bahaghari na ito.

Ngunit, bawat tingin ko dito, pilit ko man habulin ang dulo ay parang walang hangganan.

Napagtanto ko, salamat sa mga guro ko noon, na ang bahaghari ay lumalabas lamang pagkatapos ng ulan. Nagsisilbing pag-asa dahil sa pitong kulay na makikita natin kapag lumabas ang tunay na bahaghari.

Narinig ko siyang umawit sa Instagram, Isang mangangawit na Cebuana. Kinanta niya yung “Rainbow” Yung lyrics, there’s a rainbow always after the rain… Everything will be alright. Ramdam ko siya. Bagamat hindi ko siya kilala.. Alam kong may mga pinagdadaanan itong dalaga na ito, tulad ko, at tulad ni doctora, na itatago ko sa pangalang “Rebecca”.

Minsan, naisip ko.. pinaglalaruan ba ako ng tadhana?

Nakakatuwang isipin na bawat tao na nilikha ng Diyos ay may rason kung bakit nabubuhay, at kung bakit mo sila nakilala.

Isang araw, mga ilang taon na ang nakakaraan, meron akong nakilalang Duktor na taga Sorsogon. Isa siyang aspiring Medical Director ng Provincial Hospital nila. Nabanggit niya sakin, na minsan paulit ulit ang mga challenges na mararanasan natin. Halimbawa, hindi mo nagawang masolusyunan yung suliranin na yun sa umpisa, dadating ulit yun same scenario, pero maaring sa ibang tao na.

Alam niyo ba, hindi ko talaga gusto ang magsulat. Pero ginagawa ko to, kasi may pagka masokista ako. Alam niyo ba na sa bawat alpabeto na sinusulat ko, nararamdaman ko yung pait at sakit. Ibang klaseng sakit. Pero, pasalamat ako sa Diyos, dahil nagagawa ko na siyang ikwento, at mailabas sa aking sistema.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan…

Nasasaktan ako… Kasi, tao ako. May damdamin, may puso, may kaluluwa.

Pero alam ko na bawat challenges na dumating sa buhay ko, may solusyon. May sagot. May dahilan, hindi ko man alam kung ano ito at para saan. Alam kong sa bawat araw na lumipas, kahit hindi ko siya nakikita, ramdam ko na mahal niya ako. Si God.

Miyerkules pala ngayon. Night duty ako ngayon sa Emergency Room ng St. Jude Hospital. Kanina, nag insert ng bagong line yung residente namin na si Doc Mike sa isang pediatric patient na may Asperger’s syndrome. Pagkatapos nun, inakyat na namin si patient sa room 311.

Tapos, nagpatulong si Maam Neri na mag insert ako ng line sa kaliwang kamay ng pasyente sa 316 B, dahil may infiltration na sa kanang kamay. Ang intervention ay warm compress.

Matapos ang ilang sandali, nagtext si Doc Higoy, may parating daw na possible Normal Spontaneous Delivery (NSD), pero kanina pa ako naghihintay. Hindi pa dumadating. Nakapagpalit na ako ng linens sa tatlong higaan na meron dito sa ER na kulay bayolet.

Gusto ko sanang matulog, para makapag ipon ng lakas… pero hindi ko magawa, kaya nagsusulat ako ngayon. Tumutugtog yung Bedtime Lullabies sa youtube ngayon, habang nagsusulat ako.

Maya maya, gagawin ko na yung tally at census ng ER para sa buwan ng Hulyo.

Nang biglang dumating si Sir Jonathan, nurse manager namin. Maaga siya dumating para sa morning shift.

Tinanong ko kung umuulan pa rin.

Sabi niya, walang tigil ang ulan, dahil may bagyo.. hindi niya lang alam kung anong pangalan.

Ako rin, hindi ako updated sa weather forecast, kasi wala akong TV sa bahay. I mean meron. Pero hindi ko naman binubuksan para manood, kasi wala akong cable. Hehe. Wala sa budget ko ang para sa TV.

Kasama ko mag duty ngayon sa ER, si Johanie, isang Muslim sa triage, pero hindi pa siya pumapasa sa board exam.

Ako lang ang nag-iisang nurse sa ER. Kaharap ko yung computer, yung telepono, yung printer, at mga mga forms, may calculator din at alcohol at cottons.

Sige, Magandang umaga. 🙂